Disclaimer:Hango to sa naaalala kong sinabi ng propesora ko—kaninang umaga, at hindi na ako nagatubiling magresearch sa statistics na sinabi ni propesora… Kayo na lang… Kung may nabago, namali ng interpretasyon dahil sa mali ng pagkakadinig o mas gusto ko yung version ko ng pagpapaliwanag at hindi nio kayang tanggapin… bahala kayo sa buhay nio. >:) blog ko to wag kang magulo.worpress.com nyakhak!
Hindi ko alam sa sarili ko pero parang nabuhay ang pagmamahal ko para sa bayan… Pero syempre, nauuna pa rin SIYA para sa akin.
=====
Nameet ko na yung professor namin sa psychology. Buti na lang at saktong kararating pa lang niya, kaya hindi ako masyadong late.
Ibinahagi niya yung mga dos and don’ts niya sa amin. Nakakatuwa siya kasi kakaiba. Ewan ko, basta kakaiba. Kasi para sa kanya daw, ang tamang pag-greet sa kanya ay madatnan niya yung kwarto namin na organize, may nakahanda na para sa kanyang table and chair [parang reyna lang] pero sabi nga niya, sino ba namang tao ang matutuwa kung higit 1 hour siyang nakatayo na nagtuturo. Isa pa, matanda na siya.
Tapos nag-share siya [yung prof namin] ng isang experience niya sa isang section na tinuturuan niya—HRM. Nakita niya yung estudyante niya na nagcha-charge ng cellphone sa loob ng klasrum. Syempre, dahil nga bawal, pinagalitan niya. Sa sobrang kakapalan ng estudyante at nagdudunung-dunungan, sinagot niya yung pobreng professor na kesyo binabayaran nila yung Energy Fee. And for their information, ang Energy Fee ay para lang sa airconditioning ng mga kwarto nila at wala nang iba, hindi para sa pagcha-charge ng cellphone—o laptop o ng kahit anong paggamit ng perang hindi naman sa kanila. Eh di anong aasahan mo kay lola? ayun! tumaas yung preyon ng dugo. Tapos dinadakan niya at sinermunan niya… Natawa ako sa kinuwento ni mam nung sabihin niya samen na binantaan niya yung mga makakapal na mukha na yun na kapag high blood pressure siya, idedemanda niya yung klase na yun. Poor HRM students. Wala kasi sa hulog kung magdahilan.
Ayun nga, sabi ni mam, ang simpleng pagcha-charge ng cellphone sa university o yung paggamit mo ng isang facility na nagagamit mo lang kapag may nakikita kang pagkakataon dahil nga hindi mo pwedeng gamitin kapag may nakakakita sayo ay isang form ng corruption. Kaya daw hindi umuunlad ang bansang Pilipeyns.
Say what? Oo. Ako din eh. Biglang banat si lola propesora nio ng ganon? Tapos nauwi sa kung saan-saan yung kwento ni mam. If I said ‘kung saan-saan’, literal na kung ‘kung saan-saan’. Nakarating kami ng US, Malaysia, Japan, China at Brunei… nadamay pa si Bangladesh.
*****
Ngayon ko lang kasi nalaman na noong 50’s upto 60’s ay hindi mo na kailangang mangibang-bansa para kumita ng malaki kasi ang palitan ng dolyar sa piso ay 1 is to 1 then hanggang sa naging 2 is to 1.
At pumapangalawa tayo sa pinakamaunlad na bansa sa Asia. Kung man-power at man-power lang ang pag-uusapan, hindi naman tayo nawawalan niyan eh. At sa palagay ko, hinding-hindi tayo mawawalan niyan…
Pero anong nangyayare ngayon sayo Pilipeyns? Bakit pangalawa ka na lang?… poorest and most corrupt na bansa… next to bangladesh?
Kung tutuusin, saan ba nanggaling ang pundasyon ng kaalaman ng mga kapit-bansa natin? Saan ba sila nag-aaral? Saan ba sila natuto? Di ba kay Inang Bayan?
Tignan nio si Japeyn, according kay mam propesora takot silang magtayo ng matataas na building. Kasi ano? Kasi laging lumilindol sa kanila. Pero nang makita nila ang Makati dito sa Pilipeyns… tsk. Ibig sabihin pala, sa atin nag-originate yung pagsu-sway ng building? Tell me something I don’t know. Correct me if I’m wrong…
Isa pa tong si Cheena, dati-rati, sila ang namamasukan na maging katulong ng mga Pinoy, maging yaya. Pero nasan na sila ngayon? Hayun, sila ang may-ari ng malalaking business companies at corporations sa bansa, ng mga junk shops, ng mga lugawan, ng mga RTW stores, ng mga ukay-ukay, ng mga fast food chains, ng mga hardware stores, ng mga malls at ng mga kung anu-anong pwedeng itinda, ititinda talaga nila. Idagdag mo pa yung threat sa atin ng mga Cheenoy, na kapag naisipan nating makipag-giyera sa kanila at kapag sumugod sila dito ay aakyat lang sila sa mga pinakamatataas na lugar sa Pilipeyns, ihian lang nila tayo, mabubura na ang Pilipeyns sa mapa. Sa dami ba nila eh, why not choko not?
Tapos hindi pa nakuntento si mam, nagdagdag pa siya ng mga source. Isa na dito si Malaysha. Yung prime minister daw nila ay nag-aral ng agriculture. tanong mo kay mam kung saan… Sa UP Los Ba! At bumalik siya sa kanyang bansa para iapply ang mga natutunan niya. Ngayon, sila na [ata] ang nag-iimport ng bigas at kung anu-anong kagamitan para sa agricultura.
At ang pinakahuling source ni mam para ikumpara ang Pilipeyns ay ang Brunei. I don’t know… Nakalimutan ko na. Basta may kinalaman yun sa Narra at atsuete kung saang itong mga nabanggit na raw materials na to ay isa sa ipinagmamalaki ng Pilipeyns… Ngayon, pagmamay-ari na rin nila, i mean, isa na sila sa mga nagpo-produce ng mga raw materials na toh.
Matatalino ang mga Pinoy, madaling maka-adapt ng environment at madami tayong katangian na madalang na makikita sa mga dayuhan pero bobo din ang mga Pinoy sa sarili nilang paraan.
Sabi nga ng propesora ko, Pilipeyns is the envy of our neighbors[ hindi ko maalala yung in-english nia, pero kung maalala ko yun... maganda yung sinabi ni mam eh...]. Si Pilipeyns ay kinaiinggitan ng mga kapit-bansa natin. Masyado siyang mayumi at maganda… Kaya dayuhan ay nahalina.. Bayan ko, binihag ka… nasadlak sa dusa… Ibon mang may layang lumipaaaaaa—-*STOP!.. Na-carried-away lang… Pasensya.
Kaya nga hinahanap siya ng propesora namin kanina. Nasan na yung Pilipeyns na yun? Yung kinaiinggitan? Yung hindi marunong magpatalo? Nasan na?
Kaya napagtanto ko na kailangan ko ring tulungan si mam sa paghahanap kay Pilipeyns. Mukang nawawala siya eh. At hiniling ko na sana, ngayong darating na 2010, ay makaupo na—kahit hindi lahat, basta ba majority ng uupo eh— yung mga tamang tao para sa panunungkulan na nakaukol para sa kanila. Yung mga hindi corrupt, hindi mapagsamantala sa kapangyarihan, hindi hinahanap ang sarili, yung kaya niyang gawing maayos at kapaki-pakinabang ang bansang lugmok sa hirap, sa pagod at sa parusa.
Sana hindi madala ang mamamayang Pilipino sa salita lang ng isang pulitiko. Sana bigyan tayo ng sign na sila nga ang tama. Na kahit sa 6 years na span ng panunungkulan, alam mong may magagawa sila… Madami silang magagawang mabuti na hindi natin kayang tutulan—kasi nga mabuti. Kaya hayun… gagawa muna ako ng report ko para sa Rizal. Syado nang napapahaba tong entry ko… ^_^ ahaha. isa pa, yokong magdrama noh, di bagay.
^_^