IDIOTIC Moments of Leona º(Θ(Ÿ)Θ)º

Setyembre 11, 2008

I didn’t make it Mom.

Isinalansan sa: Just Me, Sundot, a Kol Hiya Lang ME — lee-yow @ 10:36 hapon

Hindi ko nagawang ipasa yung 2 plates. Hindi ko ito natapos— dahil kinulangan ako ng “kasipagan” kaya ayun. Malayung-malayo yung ginawa kong isometric sa mga classmates ko… pero alam kong tama yung akin. Mayabang na kung mayabang… eh sa meron akong ipagyayabang, di ba?

Anyways, Drafting is a minor subject. Masyadong bothered yung mga classmates ko—hindi naman ako ganon ka-bothered. Hindi dahil sa wala akong pakelam sa subject kundi may mga mas importanteng bagay na dapat pagtuunan ng pansin. Tulad na lang nang nalalapit na pasahan namin ng POWER SUPPLY… :D nagagalak ako dahil nararamdaman ko na ang course ko. Nagkakaroon na naman ako ng kaalaman na—sabihin na nating na ganon—ipagyayabang, hehehe.

==========

Dumako naman tayo sa ibang tao. Meron akong classmate na 1 month absent. Akalain mong makakapasok pa siya? Akala ko nga tinamaan na rin siya ng sakit na katam at gumaya sa dalawa kong classmate an hindi na rin pumapasok. Ayun, na-confine daw siya sa ospital ng dalawang linggo. Nag-iinarteng sumasakit daw ang kanyang batok, spinal column, at eye strain [astigmatism pa ata] at sobrang stressed. ABA! Ayun dinadal ako kung anong gagawin niya kung sakaling hindi siya tanggapin ng mga teachers considering na dropped na siya. ABA! [ULIT!] Wag siyang mag-inarte, kako, dahil hindi lang siya ang stressed. Hindi lang siya ang nakakaramdam ng neck pain, back pain, eye strain at isama mo pa ang pagka-ngarag habang nag-iisip kung pano matatapos ang isang bagay na kung tutuusin ay hindi naman ganon kahalaga.Mahalaga, pero hindi ganon kahalaga. Stress me’ass!!! Eh, wala nga siyang ginawa kundi ang magtanong ng magtanong… aminado rin naman siyang slow-learner siya, pero minsan kasi anlakas niyang mandistorbo eh. Dapat nga, kung ako yung magiging professor na makakabasa ng EXCUSE LETTER niya pati MEDICAL CERTIFICATE NA KACHORVAHAN, NAKU!!! Pupunitin ko yun sa harapan niya. Wala siyang karapatang mag-inarte. Dahil hindi lang siya ang stressed. Stressed ako. Stressed kami.

Singkit ang mata ko these past few days kakaiyak sa mga bagay na dapat ay ginagawan ng paraan pero idinadaan na lang sa iyak…Mababakas mo ang stress sa akin dahil:

* Nababakas na yung katandaan sa pagmumuka [wrinkles!!!]

* Nagugulat kapag kinakalabit [dahil masyadong concentrated sa tinatapos]

* Hindi na tumatawa kapag nagjo-joke… [dapat kasi tatawa kayo kahit badorni (baduy na korni pa)!]

* Natatapilok habang bumababa ng hagdan

* Singkit ang mata tuwing papasok kinabukasan[kakaiyak]

* Parang lasing kung maglakad o palembot-lembot o parang tinatamad dahil hukot na hindi mo maintindihan [kulang kasi sa tulog]

* Gusto mong murahin yung mga taong ginagago ka, pero wala kang time makipag-gaguhan sa kanila. Mga linyang ganito:

Gantong (put wala pa” or “hindi pa” ) ako (put situation here), wag mo kong (put what they did to you here)

Example:

Gantong wala pa akong natatapos na isometric, wag mo kong iniistorbo

oha! oha!

* At most especially…. ayan na!… kapag naglalabasan ang mga craters sa pagmumuka mo na hindi dapat lumabas… Exempted na yung mga Tigidig na tinubuan ng muka. Mukang stress sila noon pa at naging bakas na lang iyon ng kahapon :D

========

Kelangan ko ng maraming-maraming POSITIVE AURA… Goodness… Help ME!!!

 

1 Puna »

  1. naku leo… hindi ba matagal ka nang singkit??? me-ilalaki ba ba ung mata mo? o isisingkit???
    kami din may mechanical drawing..haha, ayaw ko ng ellipse?! ayaw nung lines mag meet! inaasar ako!!!
    pakisabi sa classmate mo huwag na siya mag- aral… huff huff… marami rin kami plates huhuhu, pati prelims at finals namin plates!!! bloody plates!!!
    good luck! sana mag survive ka!

    Comment ni cheez709 — Oktubre 14, 2008 @ 4:35 hapon


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.