Gusto ko na talagang murahin yung Administrator ng school ko. SIS (Student Information System) ang may hawak ng lahat ng enrollees na Freshmen ngayon… At IYON ang ikinapuputok ng butse ko [meron ba ako nun?]
Binago nila ang takbo ng PUP. Ayy, nakalimutan ko, “gagawin” pala nilang private ang STATE UNIVERSITY na pinapasukan ko. Muntanga lang. May “vision” kasi ang hindi-ko-kilalang-nagpanukala-ng-kachorvahan-na-iyon. Mamatay na siya, kung sinuman siya. [Mukang sarap na sarap akong mang-curse ng hindi ko kilalang tao ngayon].
Anyways, ayun. Online enlistment kami. Una, nakaka-excite kasi kami ang unang batch na gagamit nito. May maganda naman siyang naidudulot [yung SIS], kaya lang… After kong mag-enroll… After ng 1st sem ewan ko lang kung may kwenta pa yung “kagandahan” ng Student Info System.
Eto… nag-aamok ako kasi “tinanggal” nila yung mga may markang WITHDRAW, DROPPED, [at nakalimutan ko yung isa pa], and of course.. INCOMPLETE. Guess what? Meron akong tatak sa isa sa mga yan…
INCOMPLETE. Ibig sabihin, kapag may subject kang may nakatatak na ganyan, kailangan mong kumpletuhin. Makukuha mo rin naman yung higher subject niya. Ang kagandahan lang sa grade na INC, eh, paniguradong may “chance” ka pang huwag ibagsak ang subject. May chance pang i-compute ng professor mo [at idalangin na sana mapansin ang mga PLUS na "ibinigay" niya sayo] at yun na ang ilagay sa transcript mo. Oh, di ba?…
Pero, sumingit ang SIS ngayon at biglang nawala ang aking “pag-asa”.
Dahil nga iba ang pamamalakad namin kumpara sa mga higher years, iba rin ang mga rules [na kani-kanina ko lang nalaman, salamat sayo SIS (IM BEING SARCASTIC HERE)].
tinanggal? so anu na ang nangyari ngayon?
Comment ni Mary Grace — Oktubre 30, 2008 @ 12:13 hapon
WALA…
WALA NA AKONG MAJOR…
INAAYOS NGA NG DEAN NAMIN KASI HALOS LAHAT NG 1ST YR BSCOE INC SA MAJOR EE…
AUN,,
TINATAPATAN NILA NG STUDENT’S HANDBOOK YUNG ADMIN NG SIS…
EWAN KO LANG KUNG PAPALAG SILA.
MADAMI KAYANG NILABAG NA RULES ANG SIS…
PAGDATING PA LANG SA ENROLLMENT…
NAKU!
WISH KO HINDI NA NAUSO ANG ONLINE ENLISTMENT EE..
MAS MAGANDA PA KUNG MANU-MANO…
MATITIIS KO PANG PUMILA NG MATAGAL, BASTA MAAYOS ANG PAMAMALAKD EE,,
KAYA LANG…
TSK…
UMIINIT TALAGA ULO KO KAPAG NAALALA KO YUN…
Comment ni lee-yow — Oktubre 30, 2008 @ 12:25 hapon
nyahahahaha! ayos ah.
Comment ni akosimakoy — Oktubre 30, 2008 @ 1:40 hapon
aww..akala nila hindi mahihirapan yung mga students.. Nandyan naman ang student council nyo para iparating sa school yung mga hinaing nyo. Pero mas maganda kasi kung hindi na lang nangyari yung ganun diba?
Comment ni Angel — Nobyembre 2, 2008 @ 12:52 umaga
awww. pede magrally.
jokeness. ^-^ maauz rin yan.
pala, nagfe-ferry ka dbeR?
Comment ni maffy — Nobyembre 2, 2008 @ 11:34 hapon
gagawin nilang private ang pup?
mga abnormal ba sila?
yan na nga lang ang eskwelahan na matatawag nating pang totoong iskolar ng bayan, tapos gagawin pa nilang private?
Di na ako magtataka kung may papasok dyan sa PUP na naka mercedes at bmw, once na ginawa na nilang private yan.
baka gusto na rin nila palagyan ng sariling istasyon ng mrt ang teresa?
Comment ni taps — Nobyembre 7, 2008 @ 5:07 hapon
hala. kelan pa nagkaron ng private state university? =(
Comment ni vanny — Nobyembre 9, 2008 @ 12:35 umaga
º(Θ(Ÿ)Θ)º to all: hayaan niyo na lang… tapos na eh… makiki-rally na lang ako kapag may nagpursue na magrally like: ABOLISH SIS… na ngayong week ko lang nakita na nakapost sa poste dun sa 5th floor… asyig di ba?!
Comment ni lee-yow — Nobyembre 16, 2008 @ 7:11 hapon