Hindi ko alam kung anong klaseng yakap ang gagawin ko sa napili kong kurso. Mantakin mong hindi ko pa naadapt yung environment ng pagiging isang Enhinyero.
Sa loob ng halos limang semestre [kasama na yung summer], pakiramdam ko wala pang pumapasok sa kukote ko, puro na lang stock knowledge. Hindi man lang naa-update. Kung isa akong computer at ang karunungan ay yung Anti-virus… malamang sa malamang hindi ko na kayang i-block yung mga viruses, na sumisimbolo sa lahat ng negative factors ng nag-iinarte kong buhay, na nagpepenetrate sa aking system… Phewhew! Hindi man lang ako updated. Wala kasi akong internet connection, mabagal pang mag-process ang Pentium III kong utak.
Para sa kaalaman nio, last sem? bokya ako. Bokya ako sa lahat ng dapat ay merong bago sa akin ngayon. Wala eh. May mga libro akong hindi nabuklat, mga subjects na palaging late kong pinapasukan, mga lectures na hindi maintindihan. mga professor na kinainisan at hinangaan, mga klasmeyt na pinagtitripan, mga baon na sinayang. Tingin nio ba isa ito sa mga signus na nawawalan na ako ng ganang mag-aral? Huwag naman sana, madami pa akong pangarap. Madami pa akong gustong gawin. Madami pa akong gustong maitulong… Madami pa…
Kaya nga heto ako ngayon, nagbblog. Yehhheees… Analaking bagay non para sa pag-aaral ko, noh? Ahahahah. Hindi na, seryoso na…
Kung alam nio lang kung anong proseso ang pinagdaanan ko last sem na ayaw na ayaw kong maulit pa. Pero kahit anong gawin ko, parang uulit at uulit pa rin yung mga senaryong gusto ko ng iwasan. Ika nga nila, history repeats itself. Kung history at history lang ang pag-uusapan, napakailkli naman ng history ko para umulit? Ahahaha. Linggo lang ang pagitan! Ahahaha. Sem break lang ang pagitan!
=====
Grabe sa Intregral… Nag-quiz kami kanina… AT WALA TALAGA AKONG MAISAGOT. Pandaraya na lang ang tanging paraan para makascore ako sa quiz na yun. Namental block kasi ako. If there’s a subject I’m hating the most, yun ay Differential Calculus. Salamat sa prof naming si Durog at wala akong natututunan sa kanya at wala akong matutunan sa Integral Calculus. Napakawalang kwenta niang guro. Aminado ako na sa part ko hindi ko na hindi ko nagagawa ng mabuti, pero I’m trying! Siya kasi hindi nia tinatry… Ang dami niang excuses. Ayan tuloy, nang dahil hindi nia chinachallenge yung excuses nia, kami ang napahamak… At madami pang mapapahamak… Whew!
Mukang magsa-summer na naman ako… Wag naman sana…
=====
I’m loving the PBB Double Up… Kaya lang kasi nakakaasar yung MOST ng mga housemates lalo na sa house B… Ampaplastik nila… Makikita mo yung pakitang-tao sa pakitang-totoo… Haaay….
mykey [tama b spell ko? haha kaw nagpangalan skin nun ehh],aun pala magkaganun man.. andito p ako.. mas grabe p cnasapit ko. hahaha… lam ko nmn mas magaling k p saken, or kahit sa iba p man.. dont lose hope lng leeyow!!^^ natutuwa talaga ako kasi galing mong magtagpi tagpi ng mga words s blog mo. di man ako mahilig magbasa ng blog ng iba, hindi ko maikakailang lagi mo akong pinapahanga.. hehehe[echoz!! haha jowk!] totoo pala un. hehe, aun, wala nmn mahalaga dito.. gusto ko lng magbigay ng puna. hahaha:D “PUNA” aun, nagbigay na ako.. hehe, face your fears sabi nga dun sa movie sa… san nga un?? sa… aun, sa “Facing The Giants” [kahit trailer p lng napapanuood ko:] malalampasan mo din yan.. at wag mong kakalimutan ung mga dreams mo nung elementary k p.. it serves as a steppingstone to reach your goal. sabay tau magsummer!! hahaha[bumabanat ehh noh?? wag nmn pala sana..].
aun.. nu p b?? keep on writing lang.. malay mo, paginteresan ko ulit basahin ung mga sulat sa blog mo. magbibigay ulit ako ng puna.. hehehe..
wala na ako masabi…
wala na talaga…
†have faith†
Comment ni mykey — Nobyembre 23, 2009 @ 6:32 hapon |
nagulat ako sayo MYKEY!!!
ahahaha
i always have faith… pero wala akong gawa… kung meron man, kulang… wag naman sana tayong magsummer…
salamat sa pagdaan!!!
really appreciated it…
Comment ni lee-yow — Nobyembre 23, 2009 @ 6:41 hapon |
alam ko ang feeling na yan. pero tiis lang talaga!
ako rin hindi ko masyadong nagets ang differential ko pero buti na lang kamo naintindihan ko ang integral.
sayang naman! masaya pa naman ang mga subject na yan!
goodluck! huwag mo kasing isipin na isusummer mo! kaya yan!
Comment ni blakenwayt — Nobyembre 23, 2009 @ 7:42 hapon |
salamat sa pagdaan… nadedrain na kasi yung optimism ko kaya hindi ko magawang magthink ng postive… ahahaha
Comment ni lee-yow — Nobyembre 23, 2009 @ 11:00 hapon |
P relax lang. may mga bagay na sadyang mahirap pero magugulat ka na lang kasi lilipas din yun. kain ka ng chocolate na lang para okay.
Comment ni prinsesamusang — Nobyembre 23, 2009 @ 11:54 hapon |
oo nga eh… tama ka princess m… nagulat nga ako at nasurvive ko ung second year first sem ko eh… whew!~~
sa pagkain ng chocoyey… hindi ko alam kung pwede.. pinaparusahan ako ng ina ko. sa sobrang pagmamahal nia saken at sa kagustuhan niang pumayat ako, puro prutas lang ako… T_T namimiss ko na nga ung kanin… at ulam.. ung karne… *naglalaway na ako… T_T nakakaiyak talaga… tapos chocolate pa kaya? halos ayaw na nga ako pakainin eh.. nakakaasar… ang damidami niang mga myths na mali… phewew!! ahaha
entry na toh… LOL
Comment ni lee-yow — Nobyembre 24, 2009 @ 9:24 hapon |
Hmmm sensya na pards pero Commerce course kasi ako kaya hindi ko rin magets ang integral calculus!
Me motto nga kami nung college: ang subject nauulit ang happenings hindi!
Enjoy mo lang pag-aaral mo, mamimiss mo rin yan pagtanda mo. Kahit kapangit o kaolats ang college days mo, iba pa rin ang buhay sa tunay na buhay… sa real world. Chillax. Aral ka lang… pag di mo magets… aral ka pa rin… Kung wala na talaga… aral pa rin! Bow!
Comment ni Dorm Boy — Nobyembre 24, 2009 @ 9:14 hapon |
pag mabaliw-baliw na ako… aral pa rin… LOL
dude, thanks… commerce? huwaw!
siguro nga… sabi ko nga, hindi ko alam knug panong yakap ang gagawin ko… kung bear hug ba o yung tipong bye-bye hug.. ahahah
salamat sa pagbisita ^_^
Comment ni lee-yow — Nobyembre 24, 2009 @ 9:21 hapon |
Huwag ka mabahala. Marami rin ang hindi pa na-aadapt ang environment ng kinalalagakan nila ngayon. Tulad na lang sa Maskom.
Comment ni Ren — Disyembre 6, 2009 @ 1:46 umaga |
Comment ni lee-yow — Disyembre 30, 2009 @ 2:24 hapon |